Reader’s poem on TRAPOs


By Multiply user Tungkol sa | 11/06/2009 5:03 PM

Lagi kong naririnig TRAPOng salita
Sabi ni kaka TRAPO daw ay masama
Kaya ako ay nagtanong dahil nabahala
Baka katabi ko na ang TRAPOng malaswa
 
Hinanap kong maigi TRAPOng sinasabi
Madali pala silang makita at mawaksi
Kahit pikit ang mata'y ikaw ay makakasaksi
Ang basurang hinahanap hindi pala nagkukubli
 
TRAPOng sinasaliksik kung saan-saan makikita
Sa kanto lang ng iyong mata sila ay mabibista
Obserbahan dahilan sila ay dadami pa
Sapagkat halalan ay nangangamoy na tuwina
 
Aking napansin nagkalat mga BIMPO
Mga Batang Itinulak ng Magulang sa Politiko
Sangguniang Kabataan ang tawag din dito
Walang natutunan sa TRAPO kung 'di mangotso
 
BIMPO ay bihasa sa tinuro ng TRAPO
Sistema nilang nilalangaw pamana nito
Sa mangmang na pag-iisip sila ay nagapo
Kawawang Bimpo pati tayo ay apektado
 
Kultura na nga ba ng mga Pilipino
Tanggapin na lang ng walang pagiimbot ito
Hindi ko mawari kung sino umimbento
TRAPOng sistema pahirap sa mga tao
 
Pakiusap sana huwag TRAPO iboto
Tignan ang nakaraan baka may may pagmanahan ito
Pumili maglilingkod at tunay na serbisyo
Sa bayan natin ay handang magsakrepisyo.
 
By Multiply user Tungkol sa
Boto Mo iPatrol Mo Multiply page
http://botomoipatrolmo.multiply.com
as of 11/06/2009 5:04 PM

RE

5

Pakisingit nga ito kung pwede..

Bansang Pilipinas talamak sa hirap
Dahil sa mga Trapo kahit saan nagkalat
Pagtibayin natin masugpo silang lahat
Bansang Pilipinas makakaahon sa hirap.

Magkaisa tayu para sa tagumpay
Ating bandila halinat iwagayway
Dalhin sa malakanyang at iharap sa trapo
At patalsikin ang pamilya Arroyo



Video


More Videos


Storypage Ad zedo