Reaction to the Yuchengco’s intention

By concerned readers

Posted at Oct 02 2008 04:34 PM | Updated as of Oct 03 2008 12:58 AM

Reaction to the Yuchengco’s intention
 
Hi, good pm. I just would like to react on write up by Ms. Lala Rimando dated 9/29/2008 at 7:54 PM regarding the intention of the Yuchengco family to acquire Philamlife. 
 
I was shocked and stunned that they (Yuchenco) could go public in stating such intention. 
 
Is this the same clan that FORFEITED AND DEFAULTED the pre-need plans of Pacific Plan holders? Isn't it right to face first these plan holders and pay them what’s due to them? How many Filipino children did they deprive of education, dreams and ambitions. Giving them the benefit of the doubt, do they really have the billions to buy such company? If so, may be we should see first their net worth!
 
And maybe I will be bringing my friends at the Bureau of Internal Revenue and those Pacific Plan Holders. I hope the clan is not using such intention to deviate the attention of the public regarding the real status of RCBC.
 
Manuel Galman
 
Magandang araw po sa inyo.
 
Gusto ko lang pong mag-react sa news na nabasa ko tungkol sa possibleng maging bagong mag may-ari ng Philamlife.
 
Sa totoo lang po ay worried ako sa nabasa ko na possibleng ang mga Yuchengcos ang makabili ng Philamlife, kasi po ay isa ako sa mga holder ng educational plan ng Pacific Plan na pag-aari nila at siguro naman po alam na ninyo ang nangyari.
 
Sa pakiramdam ko po ay di nila tinupad ang kanilang obligasyon sa amin dahil sa wala na daw pondo (pera) pero heto sila at nag-o-offer na bilhin ang Philamlife.
 
Natatakot ho ako na baka maging katulad ng sa Pacific plan ang mangyari sa Philamlife once na mabili nila ito. May pension plan ho kasi akong binabayaran sa Philamlife ngayon. Nag-iisip ho tuloy ako na isusurender ko na lang ho ang aking pension plan kung sila ang makakabili ng Philamlife. Nawala na ho ang tiwala ko sa kanila dahil sa nangyari sa Pacific plan kahit na ho ibabalik daw nila ang certain amount sa 2010.
 
Sana ay di sa kanila ibenta ang Philamlife.
Hanggang dito na po lamang at sana ay maunawaan ninyo ang aking naging reaksyon sa balitang iyan.
 
Alejandro Tolentino
Abu Dhabi UAE