RE: Poll Automation
By Alvin Buot, reader | 07/03/2009 11:37 AM
Printer-friendly version |
Send to friend |
Share your views
Dito sa Saudi, naging excited kami sa darating na eleksyon dahil din sa Boto Mo iPatrol Mo na nilunsad ng ABS-CBN. Karaminhan dito ay matagal nang di bumoboto.
Dahil na rin sa balitang automation at pagsisikap ng ABS-CBN na tutukan ang bawat kabanata, kami dito ay na-engganyo na makiisa rin.
Pero PARANG BIGLA ANG IBA dahil sa balita na pag atras ng isang partner na kumpanya na mamamahala sa makina ng automation. Bigla kaming nanlumo dito, sapagkat ito ay inaasahan na ng lahat. Napagkaisahan naming magkakaibigan na hindi na kami boboto kung babalik sa mano mano ang bilangan. Aksaya lamang ng aming boto. Dadayain lang.
Saka kung di matuloy ang automation, manghihikayat din kami ng mga kamag anak sa Pinas na wag bumoto sa 2010. Sana naman ay magawan ng paraan ang problemang ito. Kung kailan pirmahan na ay saka aatras.
MAGBAGO NA TAYO PINOY. WAG PUMAYAG SA GANITONG PAMAMALAKAD.
Best Regards
Alvin Buot
Riyadh, Saudi Arabia
raveendran[at]madaenstar.com












Comments