RE: Pandaraya sa eleksiyon
By Paolo Bundoc, reader | 07/02/2009 11:45 AM
Printer-friendly version |
Send to friend |
Share your views
Ang pandaraya ay hindi nanggagaling sa aming mga guro, kung saan kami ang umuupo bilang mga Board of Election Inspector, anumang uri man ang gamiting sistema ng ating pamahalaan kung ang isang namumuno ay ganid at lunod sa kapangyarihan gagawa at gagawa ng paraan upang mahawakang muli ang ganitong kapangyarihan.
Ang dayaan ay nangyayari sa paglipat ng election returns mula sa aming mga guro patungo sa lokal o regional canvassing, dito namemeligrong mapalitan, madagdagan, at mabahiran ng dayaan ang mga election returns.
Patuloy nawa tayo na maging mapagmatyag at vigilant sa ating mga karapatan. Oo, isa ka lang ngunit pagsama-samahin natin ang ating boses isa itong magiging dagundong kapag iisa ang ating isisigaw.
Paolo Bundoc
Muntinlupa, Metro Manila
Boto Mo iPatrol Mo multiply site (http://botomoipatrolmo.multiply.com)













Comments