RE: SC stand on House Resolution 1109 - Con Ass

By Rhoda, reader

Posted at Jun 23 2009 05:35 PM | Updated as of Jun 24 2009 01:35 AM

Tama nga kayo mga kapatid. Ang Pilipino ay likas na matalino at magaling. Kaya marami pang mas karapat-dapat na maging pinuno ng ating bayan. Sa sandaling tayo ay makalingat, wag ka't may milagro na pala sa palasyong tila bang nakakasindak na sa dilim at maalisangsang na amoy na parang bulok na basura at kamatayan.
 
Wag maging kampante, kapatid. Tuso man daw ang matsing, mas tuso ang ganid at mga halang na ang kaluluwa. Ipagdasal natin sila. Sabi nga sa ating doktrina: Patawarin mo ang mga nagkasala sa iyo, pero kapatid, wag mo ding kalilimutan na sabi din ng doktrina Kristiyana wag ka ding magpaloko.
 
KARAPATAN MO BANTAYAN MO!
 
Rhoda
Iloilo City, Iloilo
Boto Mo iPatrol Mo multiply site (http://botomoipatrolmo.multiply.com)