RE: Bakit ayaw bumoto ng ibang OFW dito sa EGYPT

By Good Shepherd

Posted at May 06 2010 04:23 PM | Updated as of May 07 2010 12:23 AM

Kumusta na po kayung lahat diyan sa bansang Pinas. Dito po sa bansang EHIPTO ay maraming ayaw bumoto dahil po sa wala daw pong naitutulong ang mga nakaupo diyan sa Pilipinas. Kung baga ito daw pong mga OFW dito ay mga UNFORGOTTEN, AT PINABAYAAN NA ng mga taong naka upo sa ating gobiyerno. Kahit po embassy dito ay halos ayaw nang lapitan ng mga OFW.
 
Ako bilang isang mamamayang Pilipino, lahat po na makita ko sa kalye ay sinasabihan kung bumoto kayo para sa pag babago ng ating bansa, iisa lang po ang mga sagot nila sa akin, ito po ang sagut nila. " Bakit kung wala ba kaming hanapbuhay eh sila ang mag papadala sa pamilya namin sa Pinas? Wala naman silang naitutulong saamin, kilala lang nila kami dahil botohan ngayun ".
 
Bilang isang Pinay, ipinaliliwanag ko po sa kanila na pasaan ba at pag napalitan na ang mga tao sa gobiyerno ay maaalala din nila ang mga OFW dito sa bansang EHIPTO.
 
Hindi ko din po sila masisisi kasi po talagang marami ditong problema ang mga OFW na talagang pinabayaan na ng ating gobiyerno. Ang tingin po dito sa mga kababayan natin ay basura, walang paggalang at hindi makatao. Ganoon din ang mga employer na mga local, dahil kahit pumunta sila sa embassy ay walang nagagawa ang mga nakaupo dito. 
 
Sana naman po sa mga susunod ang ipadadala nang ating gobiyerno ay yung mga taong maykakayahan at lakas at pakikipagkapwa tao at yung may pakikisama sa mga taong gobiyerno dito sa bansang EHIPTO.
 
Sad to say kakaunti ang bumoto dito.
 
Marami pong salamat at nawa’y bigyan naman ninyu ng pag asa ang mga OFW dito sa bansang Ehipto.
 
God bless po sa inyong lahat diyan. Sana may pag babago na sa ating bansa.
 
Good Shepherd
emiliemacaraeg[at]ymail.com