RE: Black props and real character

By Carlos Jesus Torralba Flores, reader

Posted at May 05 2010 05:04 PM | Updated as of May 06 2010 01:04 AM

Saan mang anggulo tingnan, ang black propaganda tungkol kay Korina at maid at iyong huli ay Jojo Binay and former mistress ay iisa lang ang tinatakbo - ganyan din ang ginawa kay Noli de Castro noong tumatakbo siyang VP against Loren. So what else is new? Halata naman kung kaninong istilo iyon.
 
Tapos si Loren sabi nya unfair ang harapan dahil di nya alam ang mga itatanong at ang sistema. Ang tunay na character ng tao, lumalabas during unguarded moments, iyong walang criteria, iyon walang condition.
 
At iyong very "unacceptable" rating ni Loren ay bunga ng kanyang tunay na character. Ibig sabihin pala kung malaman niya ang criteria, ang sistema at mga katanungan ay magiiba rin siya ng character? Plastic siya kung ganoon, hindi totoo.
 
Kaya Loren, maging maligaya ka na at naging senadora ka...alamin mo ang limitasyon mo at tanggapin mo ito nang maluwag sa puso mo. Talo ka noon, talo ka pa rin ngayon!
 
Carlos Jesus Torralba Flores  
Jubail Industrial City
Kingdom of Saudi Arabia
rudyard39[at]hotmail.com