Fw: Nasaan na sila?

By Francisco Mangulabnan, reader

Posted at Apr 26 2010 06:26 PM | Updated as of Apr 27 2010 02:26 AM

Gawing nating tungkulin ang karapatan natin bumoto, huwag lang tayong bumoto, dapat nating ikampanya na iboto ang mga nararapat, ngunit dapat din nating ikampanya na huwag iboto ang mga hindi nararapat.
 
Nasaan ngayon ang mga sinasabing “magagaling at matatalino” na naging popular (kinasuklaman) sa buong bansa dahil sa masugid at walang-tigil sa tagapagtanggol kay Gloria?
 
Kung tunay silang matatapang at nasa panig ng katotohanan at katarungan sa pagtatanggol kay Gloria, bakit hindi sila tumakbo ng matataas na pusisyon sa halalan ito tulad ng Pangulo, Pangalawang-Pangulo at Senador na kung tutuusin ay kwalipikado naman kung sa galingan lang naman ang pagbabatayan?
 
Nasaan sina dating inJustice Secretary RAUL GONZALEZ? Bakit imbes na Pangalawang-Pangulo o Senador, bakit meyor lamang sa Iloilo ang tinatakbo? Bakit hindi na lang kaya mamahinga ang matanda?
 
Nasaan ang trouble-shooter (taga-areglo) ni Gloria na si MIKE DEFENSOR? Bakit imbes na pagka-Senador, pagka-meyor ng Quezon City ang hinahabol?
Nasaan ang masugid na tagapagpagtanggol ni Gloria na si “I have two hands.” na IGNACIO “TOTING” BUNYE? Bakit hindi siya tumatakbo sa pagka-Senador? Tiba-tiba na ba siya ngayon sa Monetary Board?
 
Nasaan ang mga numero unong congressmen na very boisterous sa pagtatanggol kay Gloria tulad ni Congressman LUIS VILLAFUERTE ng Camarines Sur at Congressman EDCEL LAGMAN ng Albay? Bakit hindi sila tumatakbo sa pagka-Senador? Hindi ba sa Senado sila bagay?
 
Nasaan ang numero unong tagapagtanggol ni Gloria na si Congressman MONICO PUENTEBELLA ng Bacolod City? Bakit hindi siya tumatakbo ng pagka-Senador?
 
Nasaan ang “You have two hundred here, Neri,” na si BEN ABALOS? Bakit hindi siya tumakbo ng pagka-Senador upang husgahan ng Bayan?
Nasaan ang numero unong bata ni Gloria na si Speaker PROSPERO NOGRALES? Bakit imbes na pagka-Pangalawang-Pangulo o Senador, pagka-meyor ng Davao City ang hinahabol? Masyadong mababa pa sa kalibre mo yan Boy!
 
Nasaan ang numero unong tagapagtanggol si Gloria sa Visaya na si Congressman PABLO GARCIA? Bakit hindi siya tumatakbo ng pagka-Pangalawang-Pangulo o pagka-Senador? Bakit kaya hindi na lang mamahinga ang matanda?
 
Nasaan ang political-strategist (salamangkero) na si DILG Secretary RONALDO PUNO? Bakit umatras sa pagtakbo sa pagka-Pangalawang-Pangulo? Bakit hindi na lang tumakbo ng pagka-Senador? Kanino na naman kaya siya babalimbing at sisipsip pagkatapos ng halalan?
 
Nasaan ang poker-face na tagapagtanggol ni Gloria na si ANTHONY GOLEZ? Bakit hindi siya tumakbo ng pagka-Senador?
 
Nasaan ang dating Secretary ng graft-ridden na Department of Education na si JESLI LAPUZ? Bakit hindi siya tumatakbo ng pagka-Senador? Remember the textbook and noodle scams?
 
Nasaan ang dating Secretary ng graft-ridden di na Department of Agriculture na si ARTHUR YAP? Bakit hindi siya tumatakbo ng pagka-Senador? Remember the fertilizer scam?
 
Bakit hindi nila ni-lined up (o nagpa-lined-up) sa pagka-Senador si JUAN PONCE ENRILE na pumusturang oposisyon nang papalapit na lamang ang halalan? 
 
Bakit hindi na niya dala ang dating slogan niyang “Sagot ko ang problem nyo!”   “Gusto ko happy kayo” sa hindi naman tunay na bumabang serbisyo sa telepono? Telepono ba ang pangunahing problema ng bayan? Wise talaga, genuine balimbing, nagpa-lined up kay Erap, kay Villar at kay Gibo. 
Bakit hindi rin nila ni-lined up (o nagpa-lined-up) sa pagka-Senador ang "hot-now-cold tomorrow" (Ang galit-na-galit ngayon ngunit kinabukasan ay bumabaligtad sabay ngising aso.) na si MIRIAM DEFENSOR-SANTIAGO sa Lakas-Kampi na ever protective naman kay Gloria? Remember her famous line, “I lied.” Wise din talaga tulad ni Enrile, genuine balimbing, nagpa-lined up din kay Erap, kay Villar at kay Gibo.
 
Kung kontrolado ni Gloria ang mga local executives at mga congressmen sa buong bansa, bakit hindi tumakbo ng pagka-Senador ang kanyang mga anak na si MIKEY at DATO, at kanyang brother & sister-in-laws na sina IGGY at MALOU ARROYO? Bakit hindi rin bumuo ng isang distrito at patakbuhin ng pagka-congresswoman si LULI?
 
Nasaan ang dating Secretary of Energy na si ANGELO REYES? Bakit hindi siya tumatakbo ng pagka-Senador? Bakit sumingit sa Partylist System na laan lamang sa mga mahihirap? Iboboto mo ba ang 1-UTAK partylist group na kung saan numero uno siyang nominee?
 
Nasaan ang mga “magagaling at matatalino” ni Gloria?
 
Kung malakas at malaganap ang Lakas-Kampi, bakit hindi buo sa 12 at 6 lamang ang kandidato nito sa pagka-Senador? Bakit mga unknown ang naka-lined-up nila? Iboboto mo pa ba ang mga walang ginawa, ang mga chairman ng Committee of the Silence, mga bench-warmers at puro-papogi na sina LITO LAPID at now two-word-surnamed BONG REVILLA? Mag-o-otso-otso ka rin ba?
 
Bakit pagkatapos mabigong i-lined-up si VILMA SANTOS sa pagka-Pangalawang-Pangulo, pumayag si EDU MANZANO na maging panakip-butas?
Bakit hindi nila ni-lined-up si RAF RECTO na pasimuno ng regressive na VAT? 
 
Bakit nagsumiksik ito sa Liberal Party ni Noynoy? Sila rin ba ni SALCEDA ang bubuo sa economic team ni Noynoy na padron sa economic program ni Gloria?
Bakit ayaw magpa-letrato ang mga kandidato ng Lakas-Kampi na itinataas ang mga kamay nila ni Gloria? Ayaw pa nila ng “Kiss of Death” ni Gloria?
 
Abandon ship!!!    
Abandon Gloria!!!    
Let’s turn-coat!!!  
Balimbingan na!!!
 
Francisco Mangulabnan
frankmangulabnan[at]yahoo.com