RE: Panalo sa tao talo sa Boto

By a concerned reader

Posted at Apr 23 2010 05:13 PM | Updated as of Apr 24 2010 01:13 AM

Ito marahil ang kasabihang mahirap tanggapin sa taong may malinis na hangarin maglingkod sa ating mahal na bayan upang maiahon ang ating mamamayan sa tigang at salat sa kahirapan, kung kaya't ibayong pangngalaga sa ating ginintuang boto dahil dito nakasalalay ang ating matagal ng inaasam na kalayaan."
 
Tangapin ang pera sa alok ng mapagsamantala ngunit tibok ng puso ang ilista sa araw ng panghusga" Ibaon sa limot ang luma at kupas na damit at pawang pangako puro napapako, ang kailangan natin ay bago at matingkad na kulay na maghahatid sigla sa makabagong kaisipan lalo na ating mga kabataan.
 
Ako'y naniniwala kapag walang kurakot lahat ng adhikain ay maipapatupad sa pangangailangan ng ating anak pawis at maralitang kababayan. API-SIGAW "Ako'y PInoy sa Salita Isip at GAWa
 
Anonymous reader