TINGNAN: Holiday getaway ng ilang Kapamilya stars

ABS-CBN News

Posted at Dec 30 2017 08:24 PM | Updated as of Dec 30 2017 11:11 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Out of the country ang ilang Kapamilya celebrities ngayong holiday season kasama ang kanilang pamilya't mga barkada.

Pagkatapos umikot sa Metro Manila Film Festival parade at makasama ang fans sa sinehan, bumiyahe na papuntang Japan si Daniel Padilla.

Kasama ni Padilla ang ina na si Karla Estrada at kaibigang sina Dominic Roque, Marco Gumabao, Zanjoe Marudo at iba pa.

Ang co-star niyang si Vice Ganda, sa San Francisco nagbakasyon para sorpresahin ang kaniyang ina.

Kumpleto ang buong pamilya ni Vice kasama ang mga kapatid na nag-Christmas sa Amerika. 

Sa New York City naman nag-Pasko sina Erik Santos, Angeline Quinto, Sam Milby at ilang mga kaibigan.

Naging tour guide pa si Milby na kabisado ang mga pasikot-sikot sa tanyag na lungsod.

At gaya ni Vice, sinorpresa rin ni Milby ang kaniyang mga magulang ngayong holiday season. 

Pamilya rin ang naka-bonding ni Angel Locsin sa kanilang trip papuntang Nami Island sa South Korea.

Kita sa photo ang pag-eenjoy ng aktres sa snow. 

Target ng marami sa kanila na magkaroon ng "me time" bago lumagare muli sa trabaho sa pagpasok ng Bagong Taon.

--Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.