PANOORIN: Showbiz forecast sa 2018

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2017 12:14 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Bago matapos ang taon, nagbigay ng kanyang showbiz forecast para sa 2018 ang feng shui master na si Hanz Cua sa "Umagang Kay Ganda." 

Nitong Biyernes, kasama ang showbiz insider na si Shalala at reporter Jeff Fernando, ibinahagi ni Cua kung sino-sino ang ilan sa mga artista na mamamayagpag sa taong 2018.

Kabilang ang tambalang KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil, at JaDine nina James Reid at Nadine Lustre na aarangkada sa susunod na taon.

"Si Kathryn year of the rat at si Daniel ay year of the pig. Si year of the pig ang magbibigay ng swerte kay year of rat sa 2018," ani Cua.

"Sina Liza ay ox naman at monkey. So ox at monkey, dalawa sila sa 2018 ay mamayagpag," ani Cua.

"Both sila ay year of the water rooster. Pagdating ng 2018 very busy ang kanilang chart. Kailangan lang nilang pangalagaan ang kanilang kalusugan, madali silang mapagod sa 2018," ani Cua.

Maliban sa mga sikat na tambalan, nagbigay din ng forecast si Cua tungkol kina Bea Alonzo at Gerald Anderson, Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger, at Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.