Jake Cuenca, may hiling sa kanyang ika-30 kaarawan

ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2017 12:34 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Ibinahagi ng aktor na si Jake Cuenca ang kanyang hiling para sa kanyang kaarawan.

Magdiriwang ng kanyang ika-30 taon si Jake ngayong Sabado, Disyembre 30.

Sa "Tonight With Boy Abunda," iginiit ni Jake na ang tagumpay lang ng pelikulang "Ang Panday" ang kanyang hiling para sa kanyang kaarawan.

Sa pelikula, ginagampanan ni Jake si Lizardo, mortal na kaaway ni Flavio o ang Panday na karakter ng bidang aktor na si Coco Martin.

"Honestly, what I want lang talaga is for the movie to be great. This movie, it's already great, pero it has a tendency to go down in history and that's my birthday wish," ani Jake.
 
"For next year? Let's see what the year has in store. Sabi ko, this year has been a great year for me. 'Yung TV show mataas ang rating, and I'm part of this huge, huge movie. I'm so happy with the reviews and I'm so grateful. But even a great year has ups and downs. So pagdating sa akin, there are still things that I need to do before I turn 30, be more mature and enter that stage in my life with a different perspective na," dagdag niya.

Maliban sa pagiging parte ng "Ang Panday," isa rin si Jake sa mga aktor ng seryeng "Ikaw Lang Ang Iibigin."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.