Celebrities, ibinahagi ang highlight ng kanilang 2017

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 29 2017 12:15 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Naging makulay at puno ng pagsubok para sa ilan ang taong 2017.

Para kay Miss International 2016 Kylie Versoza, puno ng magic ang kanyang nagdaang taon dahil sa maraming oportunidad na nagbukas para sa kanya.

"Yung 2017 ko magical. Aside from winning Miss International, natupad ko ang dream to travel all over the world to speak about my advocacy which is mental health," ani Kylie.

Si Jake Cuenca naman, magkahalong saya at challenging ang 2017 pero wala siyang maitatanggi sa mga nagdatingang projects bilang artista at producer.
 
"For me 2017 has been amazing. It has its ups and downs pero for me, project-wise, lahat ng nakuha kong projects for 2017 have been amazing," ani Jake.

Para sa child star na si Awra, ang pagkapanalo sa reality contest at pagbibida sa isang mini-series ang highlight ng kanyang taon. 

"Napaka-happy ko po 2017, ang dami kong ginawa. Nag-'Your Face Sounds Familiar' ako, nanalo ako doon. Nag-'Super Bing' ako, then lahat ng projects ko naging successful," ani Awra.

Ang "Funny One" season 2 winner na si Donna Cariaga naman, itutuloy na ang pagpapatawa at pagpasok sa showbiz.
 
"Ay! Kung gusto po nila ako kuhanin, sino naman po ako para tumanggi," ani Donna.
 
Ngayong patapos na ang 2017, challenge accepted naman silang lahat sa pagharap sa hamon ng 2018.