Joanna Ampil, masaya sa tagumpay ng 'Ang Larawan'

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 11:41 AM | Updated as of Dec 28 2017 12:06 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Hindi maitago ni Joanna Ampil ang kasiyahan sa tagumpay ng pelikulang "Ang Larawan" na humakot ng parangal sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival (MMFF) awards night. 

"Ecstatic, of course," ani Joanna sa pagbisita nito sa "Umagang Kay Ganda" nitong Huwebes kasama ang isa rin sa bida ng pelikula na si Rachel Alejandro.
 
Dagdag ni Joana, masaya siya na maraming mga tao ang sumusuporta sa kanilang pelikula.
 
"Ang daming nagru-root sa amin. I was feeling a bit pressured also because people were so forthcoming with their compliments, with regards to my performance. So medyo napi-pressure din ako. But we got the awards, that's something," ani Joanna na bumalik mula sa ibang bansa para dumalo sa awards night na ginanap nito lamang Miyerkoles ng gabi.

Para naman kay Rachel, masaya siyang sa dahan-dahang pagbabalik sa mga sinehan ng "Ang Larawan."
 
"Talagang nag-outpour ng support lahat ng netizens sa aming Facebook (page) 'Ang Larawan The Movie. I think that's the reason why after the first day or few screenings, marami ng theaters ang nag-pullout in favor of showing other films pero slowly ibinabalik na nila 'yung movie namin. So nagpapasalamat kami sa lahat ng pagmamahal at suporta na ibinibigay niyo sa 'Ang Larawan,'" ani Rachel.

Para naman sa mga manonood, inawit naman ni Rachel at Joanna ang isa sa mga kanta sa "Ang Larawan."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.