Derek, nagpasalamat sa pagkapanalo sa MMFF

ABS-CBN News

Posted at Dec 28 2017 11:56 AM | Updated as of Dec 28 2017 12:13 PM

MANILA -- Isang pasasalamat ang ibinahagi ni Derek Ramsay sa pagkapanalo niya bilang best actor sa katatapos lang na Metro Manila Film Festival 2017 awards night.

Nagwagi si Ramsay para sa pelikulang "All of You" kung saan kasama niya si Jennylyn Mercado.

Sa Instagram nitong Huwebes, ibinahagi ni Derek ang pasasalamat at kasiyahan sa pagkilalang natanggap. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.