PANOORIN: Erich Gonzales, nagbabalik sa Star Patrol

ABS-CBN News

Posted at Dec 27 2017 10:05 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Nagbalik ang aktres na si Erich Gonzales bilang tagapaghatid ng mga balitang showbiz sa news program na "TV Patrol" nitong Miyerkoles.

Muling sumabak sa papel na Star Patroller si Gonzales, na una niyang ginampanan noong Setyembre.

Hinatid ni Gonzales ang mga balita tungkol sa pag-alis sa "Ang Larawan" sa ilang sinehan, holiday destinations ng mga artista, at mga kuminang na tambalan ngayong 2017.

Nakipagkulitan pa ito sa mga anchor na sina Noli De Castro, Bernadette Sembrano at Ted Failon. Hinamon nila ang aktres na ibida ang backless na outfit.

Kasalukuyang abala si Gonzales sa pag-promote ng pelikulang "Siargao," na pinagbibidahan nila nina Jericho Rosales at Jasmine Curtis-Smith.

Isa ang "Siargao" sa mga kalahok sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Bahagi ang pag-Star Patrol ni Gonzales sa ika-30 anibersaryo ng "TV Patrol."

Bukod kay Gonzales, ilan pa sa mga nagsilbing Star Patrol nitong taon sina Bianca Gonzales, Kim Chiu, Toni Gonzaga, Yam Concecion, Bela Padilla at Yassi Pressman.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.