Vice Ganda, tinupad ang wish list ni 'Gigil Kid' Carlo

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2017 12:42 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Paborito ngayon ng manonood ang tandem nina Vice Ganda at ng "gigil kid" na si Carlo Mendoza.

Pinalakpakan ang kanilang mga eksena sa “Tthe Revenger Squad” na showing na ngayon sa 2017 MMFF.

Ayon kay Carlo, si Vice ang BFF niya sa showbiz at inaalagaan daw siya nito.

“Lagi po siya yumayakap sa akin at mabait siya. Lagi din niya akong ibinibili ng mga laruan,” kuwento ni Carl. “Ang gusto ko po magkaroon na kami ng bahay.”

Nagbiro naman si Vice ng marinig ang wish list ni Carlo sa kanya ngayong Pasko.

“Ang dami ko na ngang regalo sa kanya. Inubos niya na nga pera ko eh,” aniya.

Kaya naman si Carlo ay bottomless ang pasasalamat kay Vice at kasama siya sa “The Revenger Squad” na una niyang pelikula sa MMFF.

“Manood kayo ng 'The Revenger Squad' maganda ito. Sasakit ang tiyan niyo po dito,” sabi ni Carlo.

Sa ngayon, isa sa mga malalakas na pelikula ang “The Revenger Squad” sa ongoing na MMFF.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.