Girlfriend ni Paulo Avelino wala pang balak na pasukin ang showbiz

ABS-CBN News

Posted at Dec 26 2017 12:34 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Busy ang 2017 ni Paulo Avelino pero sa likod ng kanyang tagumpay ay ang suporta ng model-girlfriend niyang si Jodie Elizabeth Tarasek.

May balak na rin bang sumabak sa showbiz ang kanyang girlfriend?

Ayon kay Paulo, wala pa naman daw plano si Jodie na pasukin ang showbiz dahil masaya naman daw si Jodie sa kasalukuyan niyang career.

Dagdag naman ng aktor, iniiwasan na rin muna niyang pag-usapan ang kanyang love life.

Aniya, hindi naman daw kailangang i-post parati sa social media ang mga ganap sa kanilang dalawa.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.