Mga komedyante, pinapurihan si Daniel Padilla

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2017 01:11 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Pinapurihan ng mga komedyanteng sina MC Calaquian, Lassy Marquez, at "I Can Do That" champion Wacky Kiray ang aktor na si Daniel Padilla na isa sa mga bida ng pelikulang "Gandarrapiddo: The Revenger Squad."

Sa "Magandang Buhay" nitong Biyernes, ibinahagi ng tatlong komedyante kung paano makatrabaho ang bidang aktor.

"Masarap katrabaho. Super guwapo talaga," ani Lassy.

"At saka mabait, alam mo ang turing niya sa ating parang tiyuhin, tiyahin," dagdag naman ni MC.

Para kay Wacky, naalala niya ang pagiging masiyahin ng aktor.

"Saka bungisngis, konting patawa mo eh tawa siya nang tawa," ani Wacky.

Sa nasabing pelikula, magkakasama ang tatlong komedyante bilang mga kakampi ng mga karakter na ginagampanan nina Daniel, Vice Ganda, at Pia Wurtzbach.

Kasama rin sa nasabing pelikula ang host ng "Magandang Buhay" na si Karla Estrada, ina ni Daniel.

Ipapalabas ang "Gandarrapiddo: The Revenger Squad" sa mga sinehan sa Araw ng Pasko, December 25.