Mabilisang pagkain ni Coco sa motorcade, ikinatuwa ng fans

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2017 01:04 PM | Updated as of Dec 22 2017 03:17 PM

MANILA -- Ikinatuwa ng mga tagahanga ni Coco Martin ang pagkain nito nang panakaw habang nasa motorcade para sa pelikula niyang "Ang Panday."

Sa Instagram, inilabas ni Coco ang video kung saan kita ang mabilisan niyang pagkain habang nagmo-motorcade sa Cavite.

 

A post shared by Coco Martin (@mr.cocomartin) on

Sa caption, ibinahagi ni Coco na masarap naman ang kinain niya.

"Paminsan-minsan nagugutom din!" aniya.

Umabot na sa mahigit 129,200 ang nakapanood ng video at nakakuha ng daan-daang komento na puro paghanga para sa aktor dahil sa pagiging simple nito.