Coco Martin, nagpasaya sa 'Showtime'

ABS-CBN News

Posted at Dec 22 2017 03:46 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Bigay na bigay ang aktor na si Coco Martin sa pagpapasaya sa mga manonood ng "It's Showtime" nitong Biyernes. 

Para sa pagbubukas ng "It's Showtime, inawit ng bida ng pelikulang "Ang Panday" na si Coco ang sariling bersiyon ng awiting "Peksman" kasama sina Smugglaz, Basilio, Zaito, at Shernan.

Maliban kay Coco, bumisita rin sa "It's Showtime" sina Jake Cuenca, Kylie Versoza, Mariel de Leon, at ang "Panday Kids" para imbitahan ang mga manonood na suportahan ang kanilang pelikula na ipapalabas simula sa Araw ng Pasko, Disyembre 25.