Ogie Diaz, may pinagdaanang pagsubok sa anak

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2017 01:02 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Dumaan sa isang matinding pagsubok ang talent manager na si Ogie Diaz.

Sa programang "Good Vibes" ng DZMM nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Ogie ang naging hamon sa pagkakaroon ng isang premature na anak.

Ayon kay Ogie, anim na buwan pa lang ang kanyang bunsong babae noong ipinanganak ito ng kanyang asawa.

"Ngayon 'yung bunso ko 10 months old na. ... Six months inilabas na, 680 grams noong inilabas. Parang fetus lang," ani Ogie.

Ayon kay Ogie, apat na buwang tumagal sa incubator ang pinakabata sa kanyang limang anak.

"Diyos ko, malaki ang investment ko diyan sa bunso ko, P2.5 million, oh di ba?" dagdag ni Ogie.

Sa ngayon, maliban sa pagiging sikat na talent manager, abala si Ogie sa pag-promote ng kanyang librong "Pak! Humor."

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.