Inigo at Maris Racal, magkasama nga ba ngayong Pasko?

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2017 12:12 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Si Inigo Pascual ang bagong nadagdag na ambassador ng World Vision Philippines na tumutulong sa mga kapus-palad na kabataan upang makatapos ng pag-aaral.

Malaking karangalan para kay Inigo na tulungan at maging mukha ng samahan.
 
"Sobrang gusto ko makatulong ang promote positivity and just to really encouraging the youth to not be afraid to be leaders to really speak up," ani Inigo.

Dahil magpa-Pasko, project ni Inigo na magkaroon ng disenteng noche buena ang mahihirap na pamilya.
 
"Now we're doing the noche buena campaign which is very special of course because we want our kababayans all over the Philippines to have a special Christmas with their families," ani Inigo.
 
Sa personal na buhay ni Inigo, pinakamalapit sa kanya ngayon si Maris Racal, pero hindi sila magkasama ngayong Pasko kaya resched ang pagpapalitan nila ng regalo.
 
"She's going to Davao but I haven't have the time. Literally we see each other through 'ASAP' only. So I guess siguro by 2018 we could spend more time with each other. Siguro we could think of more meaningful gifts para sa isa't isa," ani Inigo.

May regalo na si Inigo sa kanyang ama na si Piolo at naibigay na niya ang bagong alagang puppy sa kanyang ina.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.