Darren Espanto, balak na rin mag-teleserye sa 2018

ABS-CBN News

Posted at Dec 21 2017 11:58 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Plano ni Darren Espanto pasukin ang pag-aartista sa bagong taon na darating.

"I would like to try 'yung mga teleserye din po, movies and theater. I'd been given offers din po in the past pero hindi po kinakaya ng schedule. So sana po," ani Darren sa pagbisita nito sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes.

Pero bago mangyari ang mga nais niyang gawin sa 2018, ibinahagi ni Darren ang plano ng kanilang pamilya na bumiyahe patungong Hong Kong pagkatapos nilang magdiwang ng Pasko at Bagong Taon sa Pilipinas.

Matatandaang lumaki at nasanay na magdiwang ng Kapaskuhan si Darren sa Canada.

"'Yung plans namin after Christmas pa. We're just going to have a litle trip to Hong Kong," ani Darren, na inalala ang nakasanayang gawin tuwing Kapaskuhan noong siya ay bata pa.

"Kapag Christmas isa sa paborito ko ay yung spaghetti ni mommy, kasi ang spaghetti doon (sa Canada), Italian ang lasa, so maasim ng konti. So 'yung spaghetti ni mommy palaging matamis so nakakarami ako doon," ani Darren.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.