Sandara at Vice Ganda, may mensahe sa BoybandPH

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2017 11:29 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Para sa pagdiriwang nila ng kanilang unang anibersaryo, nakatanggap ng mensahe ang BoybandPH mula sa kanilang naging mentors sa "Pinoy Boyband Superstar" na sina Vice Ganda at Korean star Sandara Park.

Sa isang taped message na ipinalabas sa "Magandang Buhay" nitong Miyerkoles, ipinaabot ni Vice at Sandara ang kanilang pagbati sa tagumpay ng BoybandPH.

"Wow! Naka-one year na kayo sa showbiz industry. Kamusta na kayong lahat? Balita ko bising-busy kayo lahat, ang daming ganap. Nakita ko sa online ang dami niyong tour, ang dami niyong mga raket. Congratulations! Alam kong ito naman ang gusto niyo at sana makita ko kayo ulit. Sana maka-guest kayo sa show ko, o kaya naman ay makarampa tayo. God bless you. Happy holidays and congratulations," ani Vice.

"BoybandPH, kamusta kayong lahat? Si Ate Dara ito. Happy first anniversary sa inyong lahat. Ang bilis ng panahon. One year na kayo at certified lodi na kayo, petmalu," ani Sandara.

Isang pasasalamat naman ang ibinigay ng grupo sa dating mentors.

Maliban kay Sandara at Vice, naging mentor din ng BoybandPH si Aga Muhlach.

Kabilang sa BoybandPH sina Niel Murillo, Russell Reyes, Ford Valencia, Tristan Ramirez and Joao Constancia