Pasko ng ilang artista, magiging 'malamig'

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2017 11:10 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Mainit ang samahan pero hiwalay ngayong Christmas ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. 

“Aalis kasi kami on [December] 24 with my family, mag-a-abroad for ilang days lang tapos si DJ naman magja-Japan siya and, of course, ‘yung ‘Revengers’ na movie nila,” ayon kay Kathryn.

“First time namin naman na maghihiwalay ulit after how many years so nakakalungkot,” sabi naman ni Daniel.

Love is in the air din para kina Julia Barretto at Joshua Garcia na hindi pa man official ay ibinuking na sila ng kanilang mga kaibigan at katrabaho.

“Nag-usap kami ni Julia. Kung kami man or hindi pa, sasabihin naman namin 'yun kapag ready na kami,” ani Joshua.

Hot and cold naman ang Pasko ng "LizQuen". 

Mainit dahil magkasama ang dalawa sa Pasko pero literal na malamig dahil biyaheng Europe sila kasama ang kanilang pamilya. 

Target nilang pumunta sa London, Paris, at Spain.

Malamig naman ang Pasko ng ilang personalidad na naghiwalay ngayong taon gaya nina Robi Domingo at Gretchen Ho.

“Buti na lang at nandiyan ang mga kaibigan at kapitbahay para magparamdam sa ’kin na OK lang ‘yan,” ayon kay Robi.

Naging talk of the town din ang hiwalayang Erich Gonzales at Daniel Matsunaga ngayong taon.

Mukha namang naka-move on na sila at masaya na ulit si Gonzales sa taong "willing to wait" para sa kaniya, habang si Matsunaga naman ay may bago nang nobya. 

Literal ding malamig ang Pasko ni Bela Padilla dahil nasa Switzerland siya para sa shoot ng pelikula nila ni Carlo Aquino.

Sagot naman ng aktres kung magkaka-love life na ba siya sa 2018: “Hindi na hinihingi iyan. Dumadating na lang.”

Happy and going steady naman sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo na napaaga ang Pasko nang sumama si Sarah sa Christmas party ng pamilya ni Matteo. 

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.