Mga artista, magpa-Pasko kasama ang mga mahal sa buhay

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2017 12:38 AM | Updated as of Dec 21 2017 01:15 AM

Nagkuwento ang ilang personalidad tungkol sa kani-kanilang Christmas plans kasama ang pamilya.

 

A post shared by Piolo Jose Pascual (@piolo_pascual) on

Excited na si Piolo Pascual na makasama ang buo niyang pamilya sa bago nilang bahay dahil naging busy ang bawat miyembro ng pamilya buong taon.

Para sa aktor, ang makumpleto muli sila sa Kapaskuhan ang pinaka magandang regalo sa Pasko.

Excited naman si Anne Curtis na ipagdiwang ang Pasko kasama ang kaniyang mga mahal sa buhay.

Ito rin kasi ang unang Christmas ni Curtis bilang Mrs. Erwan Heussaff.

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

Sabik na rin si ABS-CBN chief content officer Charo Santos-Concio na mag-Christmas kasama ang pamilya lalo na ang mga apo.

 

A post shared by Charo Santos (@charosantos) on

Ito na rin ang paraan nila ng pagpapasalamat sa isang taon ng biyaya, pagmamahal, at suporta na natanggap mula sa kanilang pamilya.

Busy man sa Christmas productions ng "Belen" para sa Ballet Manila ang prima ballerina na si Lisa Macuja, ang pagsasama-sama nila ng kaniyang pamilya, lalo kasama ang mga anak, ang inaasam niya ngayong kapaskuhan.

 

A post shared by lisamacuja (@lisamacuja) on

-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Watch more in iWantv or TFC.tv
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.