Mccoy at Elisse, magkasama sa Pasko

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2017 12:55 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Excited sa kanilang 2017 MMFF movie na "Ang Panday" ang Mclisse tandem nina Mccoy de Leon at Elisse Joson.

Napanood na nila ang buong pelikula sa special screening nito at hanga sila sa kanilang nabuong proyekto.
 
"Sobrang nakakabilib kasi pinaghirapan talaga ng lahat ito, pinagpuyatan. Siguro naging worth it lahat," ani Mccoy.

"Si Kuya Coco nakakabilib po talaga siya, kasi tuwing eksena siya 'yung aktor. Tapos pupunta siya sa editing para siya mismo ang tumingin sa sarili niya at co-actors na kasama niya, sobrang hands-on nya," ani Elisse

Dahil puno ng blessings ang Mclisse tandem ngayong 2017, magkasama sa Pasko sina Mccoy at Elisse kahit walang trabaho para magpasalamat.

"Sa Christmas yayain ko siya magsimba, doon kami sa simbahan," ani Mccoy.

"Yun din naman ang gusto ko yung makapag-celebrate kami ng Christmas together kahit full of work, kahit na may time rin kami sa family namin, sana magkaroon din kami ng time together," ani Elisse.

Di pa rin nakawala sa katanungan ng status ng kanilang relasyon sina Mccoy at Elisse na maayos namang nasagot ni Mccoy.
 
"Ang masasabi ko lang, hindi namin masabi ang exact na word pero masaya kami kahit on and off cam," ani Mccoy.

Ipapalabas ang "Ang Panday" sa 2017 Metro Manila Film Festival sa December 25.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.