'Magandang Buhay' hosts, nagbigay tulong sa Lingkod Kapamilya

ABS-CBN News

Posted at Dec 20 2017 04:51 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, nagbigay ng tulong ang "Magandang Buhay" hosts na sina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Karla Estrada sa Lingkod Kapamilya.

Nitong Miyerkoles, isang tulong pinansiyal ang ipinaabot ng mga host na mula sa garage sale na kanilang ginawa noong nakaraang linggo.

Ang program director ng Bantay Bata 163 na si Ging Castañeda ang tumanggap ng regalo mula sa "Magandang Buhay" hosts.

Para naman sa mga bata sa Marawi magbibigay ang "Magandang Buhay" ng 200 units ng school supplies at 150 units ng damit.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.