SILIPIN: 'Just Love Christmas Special' ng ABS-CBN

ABS-CBN News

Posted at Dec 16 2017 07:37 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Full force ang ABS-CBN stars para sa “Just Love Christmas Special” na ginanap sa Araneta Coliseum kung saan ipinakita nila ang pasasalamat at pagmamahal sa audience na patuloy na tumatangkilik sa Kapamilya shows.

Nagningning na parang puno ng mga bituin sa langit ang Araneta Coliseum sa pagdagsa ng daan-daang Kapamilya stars sa taunang ABS-CBN Christmas special.

Dumalo sina Piolo Pascual, Sharon Cuneta, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Gary Valenciano at iba pang singers sa makislap na opening number. 

Nagsanib-puwersa din ang birit queens and singing champions gaya nina Erik Santos at Yeng Constantino. 

Nagpakilig naman ang mga Kapamilya leading men gaya nina Jericho Rosales, Arjo Atayde, Richard Gutierrez, Matteo Guidicelli, Daniel Padilla, Enrique Gil, at marami pang iba. 

Hindi rin nagpahuli at humataw sa dance floor ang leading ladies gaya nina Kathryn Bernardo, Liza Soberano, Kim Chiu, Julia Barretto, at iba pa. 

Saya sa madlang pipol din ang hatid ng mga host ng top rating noontime show na “It's Showtime” sa pangunguna ni Vice Ganda pati na ang cast ng “Ang Panday” kasama si Coco Martin. 

Ilan lang ito sa marami pang special numbers na mapapanood sa two-part Kapamilya Christmas special ngayong Sabado ng gabi at Linggo, alas-9:30 ng gabi.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.