'Magandang Buhay' hosts, bumirit kasama ang Aegis

ABS-CBN News

Posted at Dec 11 2017 02:11 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Naging game ang mga host ng "Magandang Buhay" na sina Karla Estrada, Jolina Magdangal at Melai Cantiveros sa pagbirit kasama ang bandang Aegis.

Nitong Lunes, hindi pinalampas ng mga host na makasama ang Aegis sa pagbirit ng "Halik."

Maliban sa "Halik," pinasikat din ng grupo ang mga awiting tulad ng "Basang-Basa Sa Ulan," "Sayang Na Sayang," "Sinta," at "Luha."
 
Sa susunod na taon ay nakatakdang magdiwang ang Aegis ng kanilang ika-20 anibersaryo.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.