Sharon, gustong magkatuluyan sina Joshua at Julia

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2017 12:50 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA – Tila walang halong biro nang sinabi ni Sharon Cuneta sa “Magandang Buhay” na nais niyang makita sina Julia Barretto at Joshua Garcia na magkatuluyan pagdating ng panahon.

Ayon kay Sharon, natutuwa siya sa dalawa dahil mayroon silang espesyal na koneksyon.

“Sana matagal pa 'to mangyari pero sana ang ending talaga ay sila ni Joshua. Because they really get along so well. May sarili silang mundo na kapag nag-uusap sila, napaka-into each other nila na parang enjoy na enjoy silang may sarili silang mundo. Nakakatuwang panoorin,” ani Sharon.

Sabi ni Sharon, talagang napalapit siya sa dalawa nang gawin nila ang pelikulang “Unexpectedly Yours” at wala siyang masasabing hindi maganda, lalo na kay Julia.

“Napakabait na bata, napakabuting anak. Ang words niya sa akin, ‘I am obsessed with my mom.’ Parang gusto kong tawagan ang mga anak ko at sabihing ma-obsess naman sila sa akin. Wala kaming sakit ng ulo sa kanila ni Joshua. Very professional, magaling umarte. Nakakatuwang malaman na coming from a family of beautiful women, tapos isang pangalan na kilala na sa showbiz, napaka-humble. Kapag may eksena ka, nadadala talaga ako at naiiyak ako. We’ve become friends,” sabi niya.

Pinaalalahanan naman ni Sharon si Julia na huwag kakalimutan ang pamilya niya kahit anong mangyari.

“Talagang everything is in the right place in your life and in your heart. Work will always come and go but your family, from your mother to your siblings, those are the ones that are going to be there forever,” aniya.

Pinuri naman ni Sharon ang ina ni Julia na si Marjorie Barretto dahil sa magandang pagpapalaki nito sa kanyang mga anak.

“I don’t need so say so much because her mommy -- sobra akong nabilib kay Marjorie Barretto. Ang husay-husay ng pagpapalaki niya. Napakabuti niyang ina,” sabi ni Sharon.

Ngayon at tapos na ang kanilang proyekto, inamin ni Sharon na mami-miss niya sina Joshua at Julia.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.