Bakit nagdamdam si Robin Padilla sa Star Cinema?

ABS-CBN News

Posted at Dec 08 2017 01:13 PM | Updated as of Dec 08 2017 02:54 PM

Ibinahagi ng “Unexpectedly Yours” star na si Robin Padilla ang video ng pag-ahit sa kanyang bigote.

Ayon kay Robin, isang conspiracy ng Star Cinema executives at ng asawa niyang si Mariel Rodriguez ang pagpapatanggal sa kanyang bigote.

Ang co-star niyang si Sharon Cuneta ang kumuha ng nasabing video.

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

 

A post shared by robin padilla (@robinhoodpadilla) on

Sa nakaraang panayam niya sa “Tonight with Boy Abunda,” ikinuwento ni Robin kung gaano siya nagdamdam nang siya’y ahitan.

“Sa meeting sabi nila, okay lang ang buhok mo, okay lang ang bigote mo, okay lang ang balbas mo. Sa meeting iyon. First shooting day, announcement na gugupitan ako. Okay sige pagtitiisan ko iyan. Nung binigay na yung gupit, mga ilang araw, igsian pa daw natin,” kuwento niya.

Dagdag pa ni Robin: “Ang pinakamabigat sa lahat, yung araw na dinesisyunan nilang ahitan ako. Dalawang taon kong inalagaan iyon. Mahal na mahal ko yung bigote ko kasi hindi ako pinagpala ng bigote.”

Sa kabila nito, sinabi naman ni Robin na hindi siya magpapaabuso kanino man kung hindi niya mahal ang mga ito.

Palabas pa rin sa mga sinehan ang “Unexpectedly Yours” na pinagbibidahan din nina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.