Maxene, nagkaroon ng bridal shower sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2017 11:50 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Isang bridal shower ang naganap para sa aktres na si Maxene Magalona sa "Magandang Buhay" nitong Huwebes.

Ikakasal si Maxene sa fiance nito na si Rob Mananquil. 

Ang mga hosts ng "Magandang Buhay" na sina Melai Cantiveros, Jolina Magdangal at Karla Estrada ang nagbigay ng sorpresa at mga regalo kay Maxene, na nakasama nila sa "Your Face Sounds Familiar" noong 2015. 

Para sa bagong kabanata ng kanyang buhay, nagbigay ng kanya-kanyang regalo ang tatlong host para kay Maxene.

Isang wedding scrapbook ang ibinigay ni Jolina, samantalang journal naman ang ibinigay ni Karla.

Hindi naman napigilan ni Maxene ang mapangiti sa regalong lingerie ni Melai.

"Maxene, para maging momshie ka na," pabirong paliwanag ni Melai sa ibinigay na regalo.