Alex Gonzaga at Hero Angeles, bibida sa 'MMK'

ABS-CBN News

Posted at Dec 07 2017 11:38 AM | Updated as of Dec 07 2017 11:39 AM

 

MANILA -- Bibida muli si Alex Gonzaga kasama si Hero Angeles para sa espesyal na kabanata ng "Maalaala Mo Kaya" (MMK) ngayong Sabado.

Gagampanan ni Alex ang karakter ng isang babaeng hinaharap ang laban sa sakit sa bato.

Si Hero naman ang gaganap sa lalaking inialay ang sariling bato o kidney para madugtungan ang buhay ng kanyang mahal.

Sa direksyon ni Theodore Boborol, masasaksihan ang galing sa pag-arte ni Alex at Hero sa "MMK" ngayong Disyembre 9.

 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.