Robin at Daniel Padilla, nais makagawa ng action film

ABS-CBN News

Posted at Dec 06 2017 01:28 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Tila excited ang mag-tito na sina Robin Padilla at Daniel Padilla sa ideyang makagawa silang muli ng pelikula ng magkasama.

Ang huling pelikula ng dalawa ay ang biopic na "Bonifacio: Ang Unang Pangulo," na Metro Manila Film Festival entry noong 2014.

“Ang dapat gawin natin Tito Robin, tayo naman ulit ang gumawa ng pelikula. Tayo naman nila Kathryn [Bernardo],” ani Daniel nang makausap si Robin sa “Magandang Buhay.”

Sinang-ayunan naman ito ni Robin at sinabing action project ang nais niyang gawin nila.

“Napapanood kita sa teleserye mo. Ang galing mo. Mas magaling ka sa akin. Magaling ka,” ani Robin.

Samantala, humingi ng paumanhin si Daniel na hindi na siya masyadong nakakadalaw sa bahay nila Robin.

“Pasensya na hindi ako nakakapagpakita sa 'yo dahil alam mo naman, naghahanap buhay para din sa pamilya. Pero babawi ako Tito Robin. Alam mo naman ako. I’ll be there biglaan,” aniya.

Si Daniel ang anak ni Karla Estrada kay Rommel Padilla na kuya naman ni Robin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.