Robin, may 'fashion statement' sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2017 12:42 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Isang kakaibang style ang ipinakita ni Robin Padilla sa pagbisita niya sa "Magandang Buhay."

Nitong Martes, dumating si Robin sa studio na nakasuot ng malong. Ayon kay Robin, inspirasyon niya ang mga kaibigang Moro sa kanyang OOTD o outfit of the day.

"Ako po ay nagpapasalamat una sa mga kapatid nating Moro. Ito po atin talaga ito. Ito ang malong na tinatawag, ito atin talaga ito, kultura natin ito," ani Robin.

"Sinasabayan ko lang ang ABS-CBN kasi noong gumawa kami sa 'ASAP,' nagbigay tribute din sila sa mga Moro. Kasi atin ito, mahalin natin ang atin," dagdag ng aktor.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.