Jessa at Dingdong, todo ang paghahanda para sa kanilang anniversary concert

ABS-CBN News

Posted at Dec 05 2017 12:38 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Puspusan na ang paghahanda ng celebrity couple na sina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza para sa kanilang anniversary concert na "20/30" sa Disyembre 8 sa Resorts World Manila.

Sa pagbisita nito sa "Umagang Kay Ganda" nitong Martes, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang preparasyon para sa kanilang major concert.

"Siyempre kailangan vocally and physically prepared ka. At saka when you prepare for it, it's not just the voice, you have to condition yourself, 'yung stamina. Kasi two-hour concert mahirap talaga," ani Dingdong.

"Saka major concert 'yon, hindi ka lang nakatayo diyan, ang dami mong ginagawa, ang daming nangyayari sa stage. Lalo na kami, we are so involved sa creative process of the whole show na talagang 'yung utak mo ay pipigain mo. You are trying to visualize ano ang nangyayari sa show.

"Saka 'yung physical preparation. Of course, si Jessa, kailangan beauty, blooming," dagdag ni Dingdong.

Nito lamang Linggo ay binigyang parangal ng "ASAP" si Jessa sa kanyang naging kontribusyon sa industriya ng musika.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.