Jessy Mendiola, may hugot sa kanyang kaarawan

ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2017 04:40 PM

MANILA -- Humugot ang aktres na si Jessy Mendiola sa pagdiriwang niya ng kanyang ika-25 kaarawan. 

Sa Instagram, isang araw matapos ang kanyang kaarawan, ibinahagi ni Jessy ang hirap na pinagdaanan sa buhay at kung paano niya nahanap ang kaligayahan.

 

A post shared by Jessy Mendiola (@senorita_jessy) on

"The past few years have not been easy. I was so scared to be myself, to love without hesitation and to live my life the way I wanted to. Many times I would doubt myself, always listen to what other people would think or say, always try to please others, because that was me. I would sacrifice my own happiness for someone else’s pleasure, even if it meant getting hurt," ani Jessy.

Ayon sa aktres, nagbago ang lahat nang simulan niyang pilin ang sariling kaligayahan at patawarin ang sarili sa hindi pagiging perpekto.

"I am at a point in my life where I am happy with myself as I found my peace. Things aren’t always easy and perfect but I’ve finally learned to drown out the noise," ani Jessy.

Dagdag ng aktres, napagtanto niya na ang kaligayahan ay isang bagay na kailangang pagtrabahuan. Aniya, ngayon ay mas pipiliin niya ang maging masaya.

Sa huli ay nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng mga taong hindi siya iniwan sa hirap at ginhawa.

"I realized that happiness is something you work hard for. It’s something you decide to be everyday. Now that I’m a year wiser, I promise myself that there will be no holding back anymore. I will keep choosing happiness. To the people who stood by me through my highs and lows and have encouraged me to never give up, thank you. You know who you are, I will be forever grateful," ani Jessy.