Kapamilya stars shine during Trade Launch event

By Gretchen Fullido, ABS-CBN News

Posted at Dec 04 2010 07:53 PM | Updated as of Dec 05 2010 03:53 AM

MANILA, Philippines - Pinaningning ng Kapamilya stars ang ABS-CBN Trade Event sa PICC Tent nuong Huwebes ng gabi.

Maagang pamasko para sa mga masugid na Kapamilya viewers at advertisers ang pasilip sa mga inaabangang ABS-CBN shows para sa 2011.

Kabilang ang mga teleseryeng ito:

  • "Sabel" nina Joseph Marco, AJ Perez at Jessy Mendiola
  • “Green Rose" nina Anne Curtis, Jericho Rosales at Jake Cuenca
  • “Mutya" nina Malou Crisologo, Niña Jose, Alfred Vargas at Lara Quigaman
  • "Minsan Lang kita Iibigin" nina Lorna Tolentino, Andi Eigenmann, John Estrada, Coco Martin, Boots Anson Roa, Amy Perez, Tonton Gutierrez at Maja Salvador.

Maliban dito, kakaibang Kim Chiu naman ang sumayaw ng sexy sa event. Hindi naman nagpahuli si Gerald Anderson na ipinakita ang kanyang machong katawan.

Sina Iya Villania at Jericho Rosales naman ay nagpamalas ng kanilang mapangahas na dance number.

Todo jamming din ang mga Kapamilya stars kasama ang mga advertisers, fans, pati ang mga ABS-CBN bosses na sina ABS-CBN president Charo Santos-Concio, Channel head Cory Vidanes, News and Current Affairs head Ging Reyes, ABS-CBN Manila Radio Division head Peter Musngi, at iba pang network executives sa engrande at masayang okasiyon.

Hindi rin natapos ang gabi ng hindi nagpapa-picture ang mga fans sa kanilang mga paboritong Kapamilya stars na sinulit ang gabi sa kakasayaw at kantahan.