MMFF entries, nagsimula nang magpasiklaban

ABS-CBN News

Posted at Dec 01 2017 10:54 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

Umandar na ang mga pasiklaban ng entries sa Metro Manila Film Festival (MMFF) pagpatak ng Disyembre 1. 

Bukod sa leading MMFF entries na "Ganda Rappido: The Revengers Squad" nina Vice Ganda, Pia Wurtzbach at Daniel Padilla, at "Ang Panday" ni Coco Martin, potensiyal na box office blockbuster din ang "Haunted Forest". 

Level up ang karir ng Kapamilya stars na sina Maris Racal, Jameson Blake, Jane Oineza, at Jon Lucas sa nag-iisang horror movie sa MMFF.

Family comedy-drama naman ang pambato nina Vic Sotto at Dawn Zulueta sa "Meant to Beh".

Ipinagmalaki naman nina Derek Ramsay at Jennylyn Mercado ang bago nilang romantic-comedy movie na "All of You".

Aariba rin sina Joross Gamboa at EA De Guzman sa beki-comedy movie na "Dedma Walking".

Magandang review naman ng international press ang alas ng "Larawan" na film version ng akdang "Portrait of the Artist as Filipino" ni Nick Joaquin.

Pagkatapos ng tatlong tangka noon, pasok naman sa wakas sa MMFF si Paul Soriano na direktor ng love dramang "Siargao".
 
Apela lang niya, tigilan na ang pagli-link sa kaniya sa leading lady na si Erich Gonzales.

May big change naman sa ruta ng tradisyunal na December 23 film fest parade dahil imbes sa Maynila, idaraos na ito sa Muntinlupa.

--Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.