Stars flock to QC for Pacquiao's victory party

by Mario Dumaual, ABS-CBN News

Posted at Nov 30 2010 12:05 PM | Updated as of Nov 30 2010 08:14 PM

MANILA, Philippines - Inulan ang victory party ni Manny Pacquiao sa hardin ng mansyon ni Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson sa Quezon City, pero hindi pa rin natinag ang star-studded na mga bisita na kuyugin si Pacquiao sa okasyon na sabay din sa birthday ni Singson.

Nanguna si Vice President Jejomar Binay sa sumalubong kay Pacquiao kasama ang misis niyang si Jinkee.

Nakiisa din sina Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., Cesar Montano, Pops Fernandez, Annabelle Rama, Willie Revillame, Valenzuela City councilor Shalani Soledad, Atong Ang, Vivian Velez at marami pang ibang bituin mula showbiz, pulitika, media at iba pang larangan.

Pinakatanong ng gabi kung dapat magretiro na si Pacman sa boksing. Halos lahat ng mga personalidad pabor na lumaban muli si Pacquiao.

Ayon naman kay Pacquiao, hindi niya pababayaan ang trabaho niya sa Kongreso pero sigurado daw siya na marami pa siyang ibubuga sa boxing ring at hindi pa siya magre-retire.

Natutuwa din ang "Pambansang Kamao" na inalay ng fan niyang Hollywood actor na si Mark Wahlberg ang pelikula niyang "The Fighter" na isang boxing drama.

Nakakatuwa naman ang sagot ni Pacman sa balitang idol daw siya ni Beyonce.

Pagkakataon niya na rin ito para magbabala sa publiko hinggil sa mga sindikatong humihingi ng pera para sa isang proyekto.

Sa huli utang daw niya ang lahat sa mga Filipino.

Balik kongreso si Pacman at nakatakda siyang magdiwang ng Pasko sa Pilipinas.