TINGNAN: 'Infinity walk' ni Rachel Peters sa swimsuit round ng Miss Universe

ABS-CBN News

Posted at Nov 27 2017 10:25 AM | Updated as of Nov 27 2017 10:49 AM

Natunghayan na ng buong mundo ang binansagang "infinity walk" ng pambato ng Pilipinas sa Miss Universe na si Rachel Peters.

Sa swimsuit round, na-highlight nang husto ang magandang hubog ng katawan ni Rachel sa tulong ng kaniyang lakad.

Sa mga naunang paghayag ni Rachel, sinabi nitong matagal siyang nagsanay upang ma-perfect ang nasabing lakad.

Nakaugalian na ng mga Miss Universe candidates mula sa Pilipinas na pangalanan ang kanilang lakad na ipamamalas sa prestihiyosong pageant.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.