Bailey May, titigil na sa pag-aartista sa Pilipinas?

ABS-CBN News

Posted at Nov 17 2017 12:01 AM | Updated as of Nov 17 2017 12:04 AM

Mula sa libo-libong nag-audition worldwide, ipinakilala na ang 14 na official members ng global pop group na Now United.

Kabilang sa mga mapalad na mapapasama sa grupo ang dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Bailey May.

 

A post shared by 🇵🇭 Bailey May (@baileymay) on

Latest project ng "American Idol" creator na si Simon Fuller ang pagbuo sa grupo.

Si Fuller din ang nag-manage ng karera noon ng Spice Girls.

 

A post shared by Jeff Fernando (@showbizjeff) on

Sa isang panayam sa pamamagitan ng Skype, sinabi ni Bailey na magkahalong kaba at saya ang kaniyang nararamdaman ngayong kabilang na siya sa Now United.

Kuwento niya, nagpunta pa siyang California para mag-audition.

 

A post shared by 🇵🇭 Bailey May (@baileymay) on

Ayon kay Yonta Taiwo na staff ni Fuller para sa Now United, bukod sa itsura ni Bailey, nakitaan din siya ng talentong papatok sa international audience.

Mensahe naman ni Bailey sa kaniyang Pinoy fans, kahit magsisimula na ang kaniyang international career, magpapatuloy pa rin siya sa kaniyang showbiz career sa Pilipinas.

Pagtitiyak pa niya, lagi niyang ibibida ang Pilipinas saan mang panig ng mundo siya dalhin ng Now United.

Bukod kay Bailey, mapapabilang din sa grupo sina Lamar mula sa United Kingdom, Josh mula sa Canada, Shivani mula sa India, Heyoon mula sa South Korea, Any mula sa Brazil, Hina mula sa Japan, Noah mula sa Amerika, Diarra mula sa Senegal, Joalin mula sa Finland, at Sofya mula sa Russia. 

Nakatakdang opisyal na ilunsad ang Now United sa unang tatlong buwan o first quarter ng 2018.

-- Ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.