Empoy, sumabak sa acting challenge kasama si Gretchen Ho

ABS-CBN News

Posted at Nov 15 2017 11:52 AM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- Isang nakakatuwang hamon ang ginawa ng komedyanteng si Empoy Marquez sa pagbisita nito sa "Umagang Kay Ganda" (UKG) nitong Miyerkoles.

Ang hamon: Kailangang gayahin ni Empoy ang ilang eksena mula sa mga pelikulang ginawa ni John Lloyd Cruz.

Pero may twist -- kailangang sabihin ni Empoy ang mga linya sa wikang Ingles.

Nakatulong ni Empoy sa pagbitiw niya ng mga linya ang "UKG" host na si Gretchen Ho.

Bumisita si Empoy sa "UKG" para anyayahan ang mga manonood na bilhin ang kanyang librong "Bakit Nakakakiliti Ang Bigote?"

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.