PANOORIN: Unang teaser ng 'Ang Panday,' inilabas na

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2017 05:03 PM | Updated as of Nov 14 2017 05:05 PM

 

MANILA -- Inilabas na ang opisyal na teaser trailer ng pelikulang "Ang Panday" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Sa teaser na inilabas ng Star Cinema nitong Lunes, kita ang pagpapanday ng espada ni Flavio, ang bidang karakter ng pelikula.

Kita rin ang mga alagad ng dilim tulad ng manananggal na makakalaban ng bida.
 
Makakasama ni Coco bilang mga leading lady ang beauty queens na sina Kylie Verzosa at Mariel de Leon.

Si Coco rin ang nag-direct ng "Ang Panday" na kalahok sa Metro Manila Film Festival at ipapalabas sa mga sinehan sa Araw ng Pasko, Disyembre 25.