Labi ni Franco, nakatakdang i-cremate sa Biyernes

ABS-CBN News

Posted at Nov 14 2017 10:44 AM | Updated as of Nov 14 2017 02:23 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA - Dumating na sa Maynila ang labi ng Hashtags member na si Franco Miguel Hernandez Lunes ng gabi.

Ibuburol ang kanyang labi sa Arlington Memorial Chapel sa Quezon City.

Agad na nagpaabot ng pakikiramay ang ilang mga kaanak at mga kaibigan ni Franco.

Nag-alay na rin ng dasal ang "It's Showtime" hosts na nasa New Zealand para sa kasal ni Anne Curtis noong panahong namatay si Franco.

Nakatakdang i-cremate ang labi ni Franco sa Nobyembre 17.

Namatay si Franco noong Sabado matapos tamaan ng malakas na alon ang sinasakyan nitong bangka. 

Nahulog at nalunod si Franco sa dagat na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.