Zanjoe: 'Hindi ko kailangan ng fallback'

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2017 01:17 PM

MANILA -- Kontrobersiyal ang tema ng pelikulang "Fallback" kung saan kasama sina Zanjoe Marudo, Daniel Matsunaga at Marlo Mortel.

Ipinakita sa pelikula kung dapat ba na magkaroon ng "fallback" o "plan B " ang bawat isa pagdating sa pag-ibig para hindi masaktan sa oras ng hiwalayan.

Naitanong din sa male cast kung dumaan na sila sa status na nagkaroon ng "fallback" sa personal na buhay.

Si Zanjoe, "stick to one" at naniniwala na isa lang dapat ang minamahal.

"Hindi ako 'yung kailangan na mayroon kaagad na fallback para hindi ako malungkot at masaktan. Kasi naniniwala ako na kung magkakaroon ako ng girlfriend o partner kailangan makilala ko, 'yung ma in-love ako sa kanya, hindi ko siya hinahanap,"ani Zanjoe.

Si Daniel naman, malaking tulong ang malakas na pananampalataya sa Diyos para ibigay ang tamang girlfriend para sa kanya.

"Ako po, never po. I'm very responsible with my ex-girlfriends, with my current. I guess sa relationship ko I always put God as first," ani Daniel.

Maingay naman ang naging reaction ng media sa naging sagot ni Marlo na umamin na minsan, nagkaroon siya ng "plan B" na makaka-relasyon na nangyari noong kabataan niya.

"Dati nagawa ko na 'yun kaya ako nakikipaghiwalay kasi alam ko meron na ako someone. May time na dumadaan ka sa ganoong stage," ani Marlo.

Showing na ang pelikulang "Fallback" sa November 15 sa direction ni Jason Paul Laxamana. -- Umagang Kay Ganda, November 9, 2017

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.