Mga artista, patuloy ang pagbibigay inspirasyon sa Yolanda survivors

Jeff Fernando, ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2017 01:14 PM | Updated as of Nov 09 2017 04:50 PM

TACLOBAN -- Matinding palakpakan ang isinalubong ng mga Kapamilya sa Tacloban matapos awitin ni Wency Cornejo ang kanyang awiting "Habang May Buhay" para sa ika-apat na taon nang paggunita ng pananalasa ng bagyong Yolanda.

Ngayong moving forward na ang mga taga-Tacloban na minsang sinubok ng matinding trahedya, malaking karangalan kay Wency na ang kanyang awitin ang isa sa nagsisilbing inspirasyon.

"It's really very hard to describe how I'm feeling right now. Knowing na 'yung 'Habang May Buhay' ang song na nagbibigay ng lakas para mag-move on after all the people they've lost and the property they've lost, after 'yung spirit nila bagsak na bagsak, a song na 'Habang May Buhay' that I myself composed gives them a little comfort in their lives, nakakataba ng puso," ani Wency.

Malaking leksyon ang natutunan sa paghagupit ni Yolanda sa kanilang siyudad noong 2013 at ito rin ang nagbigkis sa ating mga kababayan na magtulungan sa oras ng kalamidad.
 
"Be spiritually and physically prepared," ani Tacloban Mayor Cristina Gonzalez Romualdez.
 
"I'm proud of everyone. I'm proud of Tacloban because after four years we're fully recovered and we're a much better city now," dagdag naman ni Anna Patricia Suarez.

Proud at tubong Tacloban din ang veteran at award-winning choreographer na si Douglas Nierras na nag-give back sa kanyang mga kababayan.

Kuwento ni Douglas, dito nahubog ang kanyang kabataan at napamahal sa pamilya.

"Dito ako ipinanganak. Ako'y taal na taga-Tacloban and I spent my elementary years here. My family comes from here," ani Douglas.

Hindi malilimutan ang mga naganap sa pananalasa ng super typhoon Yolanda pero ito ngayon ang nagpapalakas sa ating mga kababayan para itayo muli ang kanilang pangarap kasama ang pamiyla at mga minamahal sa buhay.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.