Gab Valenciano, may bagong inspirasyon?

ABS-CBN News

Posted at Nov 09 2017 10:07 PM

Gab Valenciano at Stephany Stefanowitz. Retrato mula sa Instagram account nina @gabvalenciano at @stephanyny

Nabunyag na si Miss Philippines Earth 2012 Stephany Stefanowitz ang nagpapasaya ngayon kay Gab Valenciano.

Kasama ang mga magulang na sina Gary at Angeli, buhos din ang suporta ni Stefanowitz kay Valenciano sa star-studded launch ng kaniyang Nativ Multimedia Company.

Wala pa naman umanong label sa kanilang relasyon ni Stefanowitz, ayon kay Valenciano, na galing sa hiwalayan sa kaniyang misis. 

“Definitely someone that I'm getting to know, she's been supportive, very inspirational. I feel very blessed,” aniya. 

“Inspirasyon? Yes, as a friend, of course,” ayon naman kay Stefanowitz.

Kamakailan lamang, magkasamang nag-diving ang dalawa sa Batangas at ibinahagi pa nila sa kanilang Instagram account ang mga retrato at video mula rito. 

 

Anilao 2017 | My First diving experience. 📷 @gabvalenciano #casaescondida

A post shared by Stephany Stefanowitz 🌹 (@stephanyny) on

Samantala, ipinagmamalaki ni Valenciano na sa sariling sikap niya itinayo ang multimedia company at hindi siya dumepende sa mga magulang.

Sinabi rin ni Stefanowitz na talaga namang pinaghirapan ito ni Valenciano. 

“Talagang pinaghirapan ito ni Gab, blood sweat and tears literally so eto na baby niya,” aniya.

-- Ulat ni Mario Dumaual, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.